Arestado ang isang fish vendor na tinaguriang Street Level Individual sa isinagawang drug buy-bust operation ng Miagao Municipal Police Station-Station Drug Enforcement Team sa Barangay Tatoy, Miagao, Iloilo nito lang ika-4 ng Agosto 2024.
Ang naarestong suspek ay kinilalang si alyas “Junass”, 42 anyos, may asawa, tindero ng isda, Street Level Individual (SLI) at residente ng Miagao, Iloilo.
Sa pakikipagtulungan ng Miagao MPS -SDET kasama ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit 6 ay naging matagumpay ang ikinasang Anti-Illegal Drugs operation ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkarekober ng Php7,500.00 buy-bust money, isang pirasong transparent plastic sachet, 10 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets at Iba pang mga non-drug items.
Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 10 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may Standard Drug Price na Php68,000.
Nahaharap ang suspek kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang mga ganitong hakbang ng Iloilo PNP ay naglalayong protektahan ang kinabukasan ng ating mga kabataan mula sa mapanirang epekto ng droga at magbigay daan para sa mas maliwanag at isang Drug Free Western Visayas.
Source: ILOILO PPO
Panulat ni Pat Ryza Valencia