Victorias City, Negros Occidental – Muling isinagawa ng mga tauhan ng Victorias City Police Station ang supplemental feeding program para sa mga kabataan kasabay ng selebrasyon ng First Communion at Culmination Program ng Flores de Mayo sa San Roque Parish Church, Victorias City nitong Mayo 30, 2022.
Ang nasabing feeding program ay bahagi sa Kasimbayanan at Project “Toto” ng nasabing istasyon na masugid na pinangunahan ni Police Lieutenant Genus David, Police Community Affairs and Development Unit Officer, na naglalayong makabuo ng magandang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng pulis at komunidad at makapagpaabot ng tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng pangunahing pangangailangan sa buong komunidad.
Tagumpay na nakapagbahagi ang grupo sa mga benepisyaryo ng ice cream, kitchen soup, tinapay at ng mga native delicacies gaya ng fried lumpia, kutsinta at puto na nagsilbing kanilang mga snacks pagkatapos ng seremonya na pinangunahan ni Parish Priest Rev. Christopher Entrata.
Kabilang din sa mga nakibahagi sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng 605th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 6 at ng mga kasapi ng organized Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).
Nagpasalamat naman ang kapulisan sa patuloy na suporta ng mga stakeholders nito upang maging matagumpay ang nasabing programa at sa mainit naman na pagtanggap ng mga residente na dumalo sa naturang pagtitipon.
###