Nueva Ecija – Nagsagawa ng Feeding Program ang Zaragoza PNP sa Brgy. Del Pilar, Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang Martes, Oktubre 4, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Ronnie Caagbay, Chief of Police ng Zaragoza Municipal Police Station.
Nasa 70 pirasong Jollibee meal ang naibigay sa senior citizens at mga person with disabilities.
Ang nasabing aktibidad ay kaugnay sa Peace and Security Framework ng Pambansang Pulisya ang MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Layunin nito na makatulong sa mga mamamayan at mas mapaigting ang ugnayan ng PNP at ng pamayanan.
Source: Zaragoza MPS
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera