Bakas sa mukha ng mga kabataan ang kasiyahan makaraang maging benepisyaryo ng isinagawang Feeding Program sa Barangay South Centro, Sipocot, Camarines Sur ng mga tauhan ng Sipocot Municipal Police Station- Camarines Sur Police Provincial Office nito lamang Sabado, Marso 16, 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Sipocot MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Jojo C Salanguit, Chief of Police at sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Alpha Kappa Rho Fraternity/Sorority ng nasabing bayan.

Layunin ng programang ito na mahatiran ng kaunting tulong ang bawat kabataan sa lugar upang maipadama ang pagmamahal at malasakit ng kapulisan sa kanila.
Ang nasabing programa ay nilunsad upang mas lalo pang pagtibayin ang magandang ugnayan ng kapulisan at ng mga kabataan para sa isang maayos at maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: Sipocot MPS CSPPO
Panulat ni Pat Rodel Grecia