San Antonio, Zambales – Nagsagawa ng Feeding Program ang San Antonio PNP sa Barangay San Miguel, San Antonio, Zambales nito lamang Lunes, Hunyo 6, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Darren Ganotan, Officer-in-Charge ng San Antonio Municipal Police Station ng Zambales Provincial Police Office kasama ang mga miyembro ng Kaligkasan Volunteers, Women’s Group at Barangay-Based.
Humigit kumulang 50 na bata ang nahandugan ng libreng lugaw sa nasabing lugar.
Ayon kay PLt Ganotan, lubos na nagpapasalamat ang mga magulang ng mga bata sa PNP sa libreng pagkain na naibigay sa kanilang mga anak.
Layunin ng aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP sa mga mamamayan upang maging kaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating bansa.
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera