Dalaguete, Cebu – Nagsagawa ng Feeding Program ang RMFB 7, 703RD Maneuver Company sa Sampig Elementary School sa Sitio Sampig Brgy. Mantalongon, Dalaguete, Cebu nito lamang umaga ng Huwebes, ika-16 ng Hunyo 2022.
Â
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Ronnel Pis-Ong Diwag, Officer-in-Charge ng RMFB 7, 703RD Maneuver Company katuwang ang aktibong miyembro ng Elite Guardians Dalaguete Chapter.
Â
Ayon kay Police Lieutenant Diwag, binisita ng mga kapulisan ang nasabing paaralan para mamigay ng masustansyang lugaw para sa mga bata.
Â
Ayon pa kay Police Lieutenant Diwag, lubos na nagpapasalamat ang mga guro at magulang ng mga bata sa PNP sa libreng pagkain na naibigay sa kanilang mga anak.
Â
Layunin ng aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP sa mga mamamayan upang maging kaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa mga bata.
###
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn C Consul