Olongapo City – Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng paghahatid ng tulong ng Olongapo City PNP sa pamamagitan ng Feeding Program para sa mga residente ng Brgy. Banicain, Olongapo City nito lamang Sabado, ika-15 ng Hulyo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Colonel Carlito Grijaldo, City Director ng Olongapo City Police Office katuwang ang PNP Special Action Force, Trust and Believe In Me Foundation Inc., Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers.
Sa maulang dulot ng “Bagyong Dodong”, nagpakain ang mga awtoridad ng libreng lugaw sa nasabing lugar.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa hatid na tulong ng Olongapo City PNP sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan upang mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Source: Olongapo City Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3