Tarlac – Tuloy-tuloy na naghahatid ng tulong ang Mayantoc PNP sa pamamagitan ng feeding program para sa mga bata na residente ng Sitio Gurong-guro, Brgy. Gayong-gayong, Mayantoc, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-21 ng Hunyo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Randie Niegos, Chief of Police ng Mayantoc Municipal Police Station, katuwang ang mga Barangay Officials at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).
Umabot sa 40 na kabataan ang nahandugan ng libreng pagkain mula sa mga awtoridad na may layunin na makapaghatid ng tulong at mabawasan ang bilang ng malnutrisyon sa kanilang nasasakupan.
Samantala, hindi lang sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ang kanilang gampanin kundi magbigay ng tulong gaya ng feeding program para ipakita ang malasakit na kabilang sa 5-Focused Agenda ni CPNP.
Patuloy pa rin na naghahatid ng serbisyo at tulong ang Tarlac PNP para sa pagpapanatili ng magandang ugnayan sa lahat ng Tarlakenyo.
Source: Mayantoc Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3