Sorsogon – Nagsagawa ng Feeding Program ang tauhan ng Matnog PNP sa Matnog Central School, Barangay Caloocan, Matnog, Sorsogon nito lamang Setyembre 18, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Patrolwoman Gelyn Albor, Asst. WCPD sa ilalim ng pamununo ni Police Major Christine Llorin, Hepe ng nasabing himpilan.

Labis ang tuwa ng mga kabataan pati na rin ang mga magulang sa programang hatid ng PNP.
Layunin ng programa na maiwasan ang malnutrisyon at himukin ang mga kabataan upang pahalagahan ng kanilang kalusugan.
Ang PNP ay patuloy na maghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan upang mapaigting ang ugnayan ng pambansang pulisya at mga kabataan.
Source: Matnog MPS Sorsogon PPO