Indanan, Sulu – Nagsagawa ng feeding program ang Indanan Municipal Police Station sa Brgy. Kajatian, Indanan, Sulu noong Nobyembre 11, 2022.
Pinangunahan ni Police Major Edwin Sapa, Chief of Police, Indanan MPS ang nasabing aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng National Children’s Month.
Kasama sa nasabing aktibidad ang Sulu PPO, Kabalikat Civicom Indanan Chapter, Kajatian Active Youth Organization, Sangguniang Kabataan ng Kajatian at Parents and Teacher Association of Upper Kajatian Elementary School.
Nasa 1,250 na istudyante mula kinder hanggang Grade 6 ang naging benepisyaryo ng nasabing aktibidad.
Pinasalamatan ni PCol Narciso Paragas, Acting Provincial Director, Sulu PPO si PMaj Sapa sa kanyang inisyatibo sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad.
Patunay na sa ganitong aktibidad ay laging andyan ang PNP para tumulong na makamit ang kaayusan at upang maabot ang mga kabataang nangangailangan ng tulong tungo sa kaunlaran sa rehiyon ng Bangsamoro.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia