Balabac, Palawan – Nagsagawa ng Feeding Program ang Balabac PNP sa Sitio Paring-ring, Brgy. Population 6, Balabac, Palawan, bandang 3:00 ng hapon nito lamang Huwebes, Mayo 5, 2022.
Ang aktibidad ay pinamumunuan ni Police Lieutenant Mark RJ Sigue, Officer-in-Charge ng Balabac MPS at Police Staff Sergeant Giles Aban na piniling ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng Feeding Program.
Nasa 100 na kapatid nating Indigenous People (IP) ang naging benepisyaryo sa nasabing aktibidad.
Dagdag pa ni PLt Sigue na layunin ng programa na maghatid ng pangunahing serbisyo para sa mga kapatid nating IP upang maipakita ang suporta, respeto at ipabatid na ang Balabac PNP ay pinapahalagahan ang mga katutubo sa kanilang nasasakupan.
Source: Balabac Municipal Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz