Bakas sa mukha ng mga kabataan ang kasiyahan makaraang maging benepisyaryo ng isinagawang Feeding Program sa Maharlika Cemetery, Taguig City ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO nito lamang Huwebes, Pebrero 1, 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng 7th MFC ng RMFB na pinamumunuan ni PSSg Jean B Ecalner sa ilalim ng pangangasiwa ng Police Captain Jul-Musa S Saat, Company Commander ng nasabing yunit.

Isa-isang binigyan ng kapulisan ang mga kabataang naninirahaan sa sementeryo ng pagkain at inumin.
Naglalayon ang gawaing ito ng grupo na mahatiran ng kaunting tulong ang bawat indibidwal sa lugar upang maipadama ang pagmamahal at pagmamalasakit.
Nangangako din sila na patuloy na magsasagawa ng ganitong mga aktibidad para sa ating mga kababayang nangangailangan.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos