Aurora – Tuloy-tuloy ang feeding program ng 2nd Aurora Provincial Mobile Force Company para sa mga katutubong Dumagat na residente ng Sitio Mainit, Brgy. Tinib, Casiguran, Aurora nito lamang Sabado, ika-25 ng Marso 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company.
Pinakain ng libreng lugaw at tinapay ang mga kababayan nating dumagat sa tulong mula sa 2nd Aurora PMFC.
Layunin nito na maipaabot ang tulong sa mga lubos na nangangailangan at mapagtibay ang ugnayan ng PNP at pamayanan.
Source: 2nd Aurora Provincial Mobile Force Company
Source: 2nd PMFC, Aurora PPO
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3