Real, Quezon – Nagsagawa ng feeding program ang 1st Quezon Provincial Mobil Force Company kaugnay ng National Children’s Month sa Kiloloron Elementary School, Brgy. Kiloloron, Real, Quezon nito lamang Huwebes, Nobyembre 10, 2022.
Ang aktibidad ay may temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan” na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Emer Halili, Platoon Leader ng 4th Platoon, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company katuwang ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo Realeño Kiloloron Chapter.
Namahagi ng mainit na lugaw sa 140 na mag-aaral sa naturang paaralan.
Layunin nito na maipadama ang malasakit sa mga estudyante upang magkaroon ng sapat na nutrisyon sa katawan at mapanatiling malusog at matalas ang kanilang kaisipan habang nag-aaral.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A