San Jose, Antique (February 5, 2022) – Mainit at masustansiyang pagkain ang hinandog ng San Jose Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Benjo E Clarite, Officer-In-Charge katuwang ang ilang miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Kabataan Kontra Druga at Terorismo at ng mga Barangay Force Multipliers sa mga kabataan sa San Jose Esplanade St., Brgy. San Fernando, San Jose De Buenavista, Antique nitong Pebrero 5, 2022 saktong alas siyete y media (7:30) ng umaga.
Ang nasabing programa ay regular ng isinasagawa ng San Jose De Buenavista MPS katuwang ang iba’t ibang volunteers at Force Multipliers upang magbigay ngiti sa mga taga San Jose De Buenavista lalong lalo na sa mga kabataan sa kabila ng umiiral na pandemya sa probinsiya.
Nasa mahigit 30 kabataan naman ang nabigyan ng mainit at masustansiyang lugaw habang nagpapahangin at tumatambay sa tabing dagat.
Nais ipaabot ng San Jose De Buenavista MPS at ng mga volunteers sa publiko na sa pamamagitan ng “PULIS SAN JOSE DE BUENAVISTA AKO, AMIGO/AMIGA NYO PROGRAM” at “Stand Up, Get Up Children” at sa iba’t iba pang programa ng PNP, tunay na ang kapulisan at komunidad ay iisa. Daanan man ng pandemya, hagupitin man ng bagyo pag nagkakaisa tiyak ngiti ay tunay na madarama.
####
Panulat ni Patrolman Kher D Bargamento
Saludo sa ating mga Ka Pulisan
May puso at malasakit talaga ang mga kapulisan saludo