San Fernando, Masbate – Nagsagawa ng Feeding Program ang San Fernando PNP sa Barangay Valparaiso, San Fernando, Masbate nito lamang Sabado, Hulyo 16, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Reymond Quinto, Chief of Police ng San Fernando Municipal Police Station katuwang ang mga tauhan ng Masbate Regional Mobile Force Battalion 5, Bravo Coy ng 21B 9ID ng Philippine Army at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) San Fernando Chapter.
Humigit kumulang 30 na mga bata ang pinaghandugan ng nasabing programa.
Ayon kay PCpt Quinto, labis na nagpapasalamat at laking tuwa ng mga bata sa PNP dahil sa libreng pagkain na ipinamahagi sa kanila.
Ang aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng ika-27th PCR Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Layunin ng aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP sa mga kabataan upang mas higit na mapalapit ang loob nila at mapanatili ang kalusugan upang maiwasan ang malnutrisyon.
Source: San Fernando Mps Masbate PPO
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia