Cavite – Nagsagawa ng Feeding Activity ang Trece Martires Component City PNP sa mga kabataan ng Brgy. Conchu, Trece Martires City, Cavite nito lamang Agosto 8, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Rona Mendoza, PCR PNCO sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jonathan Asnan, Chief of Police ng Trece Martires Component City Police Station, katuwang ang mga estudyante ng Criminology interns at mga nanay ng mga bata sa nabanggit na barangay.
Lubos na natuwa at nagpasalamat ang tinatayang 100 na bata sa handog na libreng spaghetti at tinapay ng mga awtoridad.
Layunin nitong mahatiran ng serbisyo publiko at mapaigting ang ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.
Source: Trece Martires Component City PNP
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin