Sunday, May 4, 2025

Fake News, maituturing na “national security concern” ayon sa PCO

Maituturing umanong “national security concern” ang pagkalat ng “fake news” sa bansa, ayon sa Presidential Communications Office.

Sa isinagawang forum kontra fake news sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nitong May 2, 2025, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Chief Jay Ruiz, na talagang nakakabahala na ang malawakang pagkalat ng fake news sa bansa.

Kaugnay dito, puspusan aniya ang pamahalaan sa pagsasagawa ng mga hakbang upang tiyak na malabanan ang fake news at hindi makapagdulot ng pinsala sa ating pambansang seguridad. Kasama na rito ang paglikha ng operational framework at iba pang mga inisyatibo upang tututukan ang pagsupil ng fake news partikular na sa social media.

Matatandaang sa parehong Consultative Forum, pormal ding inilunsad ng Philippine National Police ang Joint-Anti Fake News Action Committee o JAFNAC na siyang naatasang magpatupad ng mga programa at proyekto upang masolusyonan ang pagkalat ng fake news.

Ang naturang komite ay pinamumunuan ni PNP Deputy Chief PNP for Operations, Police Lieutenant General Robert Rodriguez; kasama si PBGen Marvin Joe C Saro, Director, PCADG bilang Vice Chairperson; at mga pangunahing unit ng PNP tulad ng Anti-Cybercrime Group (ACG), Directorate for Operations, Directorate for Intelligence, Information Technology Management Service (ITMS), Office of the Chief PNP (OCPNP), Legal Service (LS), at ang Police Community Affairs and Development Group (PCADG).

Sa inilunsad na bagong komite, tiniyak ng PNP na tutugisin nito at managot sa batas ang lahat ng mga indibidwal na siyang pakana ng fake news at maling impormasyon sa bansa.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles