Sa kulungan ang bagsak ng isang ex-convict matapos mahulihan ng Php510,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Cebu PNP sa Barangay Mohon, Sogod, Cebu, noong ika-11 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio G Ananayo Jr., hepe ng Provincial Intelligence Unit / Provincial Drug Enforcement Unit, Cebu Police Provincial Office, ang ex-convict na si “Ricardo”, 39 anyos at residente ng Barangay Mohon, Sogod, Cebu.
Bandang 2:00 ng madaling araw ng ikinasa ng pulisya ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkasabat ng 11 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 75 gramo na may Standard Drug Price na Php510,000, isang black belt bag at buy-bust money.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib na pwersa ng Cebu Provincial Intelligence Unit / Provincial Drug Enforcement Unit at Sogod Municipal Police Station.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kapulisan ng Cebu ay walang humpay at walang tigil sa mga operasyon laban sa ilegal na droga upang masakote ang mga indibidwal na nasa likod nito dahil sa Bagong Pilipinas, gusto ng pulis, ligtas ka!.
SOURCE: CPPO SR
Panulat ni Pat Grace P Coligado