Lucena City, Quezon – Arestado ang isang babaeng suspect na dati ng nakulong sa ilegal na droga sa operasyon ng Quezon PNP nito lamang Biyernes, Hunyo 17, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo Reyes, Chief of Police ng Lucena City Police Station, ang suspek na si Renalyn Rodellas Escudero alyas “Pokerat”, 32, residente ng Purok 7, Brgy. Dalahican, Lucena na kabilang sa listahan ng mga Street Level Individual.
Ayon kay PLtCol Reyes, naaresto ang suspek sa naturang barangay sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Intel/Drug Enforcement Unit ng Lucena City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Jerome Ubaldo II, Team Leader, Philippine Drug Enforcement Agency-Quezon, Provincial Intelligence Unit, Quezon Provincial Drug Enforcement Unit, Quezon Maritime Police Station, Criminal Investigation and Detention Group Quezon at Regional Intelligence Unit ng Quezon.
Nakumpiska mula sa suspek ang limang piraso ng heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.48 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php50,592, isang pirasong coin purse, at isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Art II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon