NAIA Terminal 3 — Arestado ang isang estudyante sa airport na isa sa mga suspek sa naganap na riding in tandem noong ika-5 ng Enero 2019 sa bisa ng Warrant of Arrest nito lamang Martes, Hulyo 12, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Andre Dizon, Director ng Aviation Security Group, ang suspek na si Jayson Salazar y Kilat, 22, single, at kasalukuyang nakatira sa 2474 Valerio St. Barangay 132, M Dela Cruz, Pasay City.
Ang biktima naman ay nakilala na si Jackielyn Antonio y Santos na Barangay Secretary noon sa Brgy. 124, Pasay City at napag-alamang dead on arrival nang isugod ito sa isang hospital.
Ayon kay PBGen Dizon, papunta sana sa Ozamiz si Salazar nang mahuli ng mga operatiba ng AVSEU NCR at Pasay City Police Station pagdating nito sa NAIA T3 Carousel bandang alas-5:26 ng hapon.
Ang Warrant of Arrest nito ay inisyu ni Hon. Elmer Joseph R Guerzon, Presiding Judge, RTC Branch 114, National Capital Judicial Region, Pasay City.
Pinuri naman ni PBGen Andre ang mga operating unit na nakahuli sa suspek kasabay ng pagpapaalala niya sa mga may nakabinbin pang mga kaso na sumuko na sa himpilan ng pulisya.
Source: AvSeg
###
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos