Sunday, January 12, 2025

Estudyante, arestado ng Talisay City PNP sa pagdadala ng Granada

Negros Occidental – Nagdulot ng takot at pangamba sa mga mag-aaral at staff ng San Rafael B Lacson National High School sa Talisay City, Negros Occidental matapos magdala ang isang Grade 10 Student ng isang Granada sa kanilang paaralan nito lamang umaga ng Martes, ika-4 ng Abril 2023.

Nagsimula ang naturang insidente matapos magreport sa tanggapan ng Talisay City PS ang isang tricycle driver na kinilalang si Rolando Dionson na siya ay tinakot ng isang estudyante gamit ang isang Granada.

Agad namang rumesponde ang SWAT personnel ng Talisay City Police Station sa pangunguna ni Police Captain Rolly Ondoy sa paaralan kung saan pumapasok ang naturang estudyante.

Kinilala ni Police Lieutenant Abegael Donasco, Deputy Chief of Police ng Talisay City PNP, ang estudyante na si Bronson Lucas Lacson y Guintebano, 21 anyos, grade 10 student, at residente ng Brgy. Zone 6, Talisay City, Negros Occidental.

Ayon kay PLt Donasco, naging maayos naman ang paghuli kay Lacson at narekober sa kanyang posesyon ang isang hand grenade, nakapkapan din siya ng pinaghihinalaang marijuana buds na may estimate value na Php120 at improvise tooter.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Talisay City PNP ang suspek at mahaharap sa reklamong Grave Threat, R.A. 9516 para sa ilegal na pagdadala ng explosives at R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hinihikayat at pinaalalahanan ng Talisay City PNP ang mga kabataan sa kanilang nasasakupan na huwag sumubok sa anumang uri ng ilegal na aktibidad na magdudulot ng kasiraan sa kanilang kinabukasan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles