Thursday, May 22, 2025

EPD, ipinagmalaki ang pagtaas ng crime solution efficiency rate sa 84%

Ipinagmalaki ng Eastern Police District (EPD) ang naitalang pagtaas ng kanilang Crime Solution Efficiency Rate (CSER) na umabot sa 84% sa loob lamang ng isang buwan, kasunod ng mas pinaigting na kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga.

Sa ulat na isinumite ni Police Brigadier General Aden T. Lagradante, Officer-In-Charge ng EPD, kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Anthony A Aberin, tinukoy niyang mula Abril 13 hanggang Mayo 12, 2025, umabot sa 84% ang kanilang naitalang CSER—mas mataas kumpara sa 75.6% na naitala mula Marso 13 hanggang Abril 12, 2025.

Ayon kay PBGen Lagradante, ang nasabing pagtaas ay alinsunod sa direktiba ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, na tiyaking ligtas at payapa ang bawat pamayanan mula sa banta ng krimen at mga ilegal na aktibidad.

Bunga ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, 166 na mga wanted person, kabilang ang mga pusakal na may kinakaharap na kasong kriminal, ang naaresto ng EPD sa iba’t ibang manhunt operations na isinagawa sa mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Samantala, sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga, nakapagsagawa ng kabuuang 153 anti-drug operations ang iba’t ibang istasyon ng pulisya sa ilalim ng EPD. Sa mga operasyong ito, 223 na indibidwal ang naaresto dahil sa kanilang pagkakasangkot sa bentahan at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nakumpiska rin ang tinatayang halos isang kilo ng shabu, marijuana, at iba’t ibang drug paraphernalia na may kabuuang halagang humigit-kumulang Php6,000,000 batay sa Standard Drug Price ng Dangerous Drugs Board (DDB).

“Ang tagumpay na ito ay bunga ng kolaborasyon ng ating mga kapulisan, mga lokal na pamahalaan, at mamamayan. Patuloy naming palalakasin ang aming presensya at operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng publiko,” pahayag ni PBGen Lagradante.

Pinuri rin ng opisyal ang dedikasyon at kasipagan ng mga pulis sa ground level, at hinikayat ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang komunidad.

Source: Radyo Pilipinas

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles