Nueva Vizcaya – Nagsagawa ang mga EOD-K9 Unit ng Nueva Vizcaya ng pagtuturo hinggil sa Project A.B.K.D o Awareness of Bomb that Kills Lives and Destroy Properties na idinaos sa Bambang National High School Gymnasium, Brgy. Buag, Bambang, Nueva Vizcaya nito lamag ika-17 ng Abril 2023.
Pinamunuan ni PCMS Valentino Tokyap, First Sergeant ng EOD-K9 Unit sa pangangasiwa ni Police Captain Jovel Buhente, Team Leader ang nasabing aktibidad.
Aktibo namang nilahukan ng 233 na mag-aaral ng Senior High School mula sa Bambang National High School na nasa iba’t ibang strand, gaya ng General Academic Strand (GAS), Accountancy Business and Management (ABM) at ng Science Technology Engineering and Mathematics (STEM), sa pamumuno ni Ginang Lily S. Orcales punong guro at ni Ginoong Edgar V Dela Rosa School Based Management Coordinator ang aktibidad.
Tinalakay rin ng grupo ang mga batas hinggil sa mga maaaring maging kaso ng mga mahuhulihan ng mga gamit pampasabog gayun din ang mga maaaring gawin ng mga mamamayan kung sakali man makita nila ng mga ito na nakakalat sa paligid.
Layunin ng aktibidad na bigyan sapat na kaalaman ang mga mamamayan hinggil sa programang inilulunsad ng EOD-K9 unit upang maiwasan ang anumang hindi kanais nais na insidente na maaaring maganap at makapinsala ng mga ari-arian at maaari ring kumitil ng madaming buhay.
Source: RECU 2- Nueva Vizcaya PECU
Panulat ni PCpl Harry B Padua