Taguig City — Nagsagawa ng Enrichment Seminar para sa kababaihan ang kapulisan ng District Community Affairs and Development Division (DCADD) ng Southern Police District sa Katwiran Covered Court, Ibayo Tipas, Taguig City nito lamang Biyernes, Marso 18, 2022 sa ganap na ala-una ng hapon.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, District Director ng SPD sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, OIC DCADD/RPIO katuwang ang FJGAD, NCRPO at Taguig City Police Station.
Nasa 50 na mga kababaihan ang dumalo sa aktibidad na pinamahagian ng food packs, mga pares ng sapatos at nag-abot din ng iba’t ibang IEC materials.
Samanatala, nagbigay kaalaman naman si Police Captain Josephine Bassig, Chief, WCPD, Taguig CPS sa mga Juana kaugnay sa batas ng RA 9262 o mas kilala bilang Violence Against Women and their Children habang si Police Major Chanda Monte, Chief, FJGAD, RCADD ay tinalakay naman ang RA 9710 o mas kilala bilang Magna Carta for Women.
Layunin ng programang ito na mapatibay ang ugnayan ng Pambansang Pulisya at komunidad sa pamamagitan ng pagdaragdag kaalaman sa ating kababayan upang maiwasang maging biktima ng karasahan lalo na sa mga kababaihan.
###