Saturday, March 1, 2025

Engkwentro sa pagitan ng Militar at NPA, kontrolado na

Kontrolado na ng mga otoridad ang naganap na engkwentro sa pagitan ng Philippine Army at New People’s Army sa boundary ng Pilar, Abra at Ilocos Sur nito lamang umaga ng Abril 3, 2024.

Ayon sa report na natanggap ni Police Brigadier General David K Peredo Jr., Regional Director ng Police Regional Office Cordillera, nagsasagawa ng security operation ang mga tropa ng 50th Infantry Battalion sa ilalim ng 501st Infantry Brigade sa Barangay Nagcanasan dahil sa impormasyong ipinaabot ng mga residente ng makaengkwentro nila ang armadong grupo na pinangunahan ng hindi pa nakikilalang lider ng NPA.

Tumagal ng limang oras ang enkwentro bago umatras ang teroristang grupo subalit patuloy ang isinasagawang pagtugis ng mga tropa ng gobyerno sa nakilalang grupo ng Komiteng Larangan Guerilla North Abra (KLG Noth Abra) na naunang na-monitor sa tri-boundaries ng Abra-Kalinga-Apayao.

Wala pang naitatala na sugatan o nasawi sa hanay ng Teroristang Grupo habang isa ang naiulat na sugatan sa hanay ng mga militar na ligtas na nailikas upang mabigyan lunas at kasalukuyang nasa mabuting kalagayan.

Samantala, agad naman inalerto ang hanay ng PNP Abra at Special Action Force ang pagsasagawa ng target hardening measures sa mga checkpoint at pagbibigay ng seguridad sa mga residente sa nasabing lugar.

Inilikas din sa evacuation center ang mga apektadong pamilya mula sa Nagcanasan na agad din namang natugunan ng local na pamahalaan ang kanilang pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, at hygiene kits.

Dagdag pa, idineklara ni Honorable Tyron Beroña, Alkalde ng Pilar, ang suspensiyon ng mga klase sa elementarya hanggang sekondarya sa parehong pampubliko at pribadong paaralan kasunod ng engkwentro.

Panulat ni PSSg Ermilinda Cacliong

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,420SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles