Ligtas na naipanganak ang isang sanggol na babae ng isang ina mula sa Payawan, Lamut, Ifugao sa tulong ng pinagsanib pwersa ng kapulisan at militar sa Hucab, Kiangan, Ifugao sa mismong araw ng halalan, Mayo 12, 2025.
Bandang 9:30 ng umaga, habang nagsasagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Kiangan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Belino, mga personnel ng Police Headquarters sa pamumuno ni Police Lieutenant Juanita C. Lee, at mga kasapi ng 54th Infantry Battalion Philippine Army 5th ID na pinamumunuan ni SSg Marlon Guerrero (MS) PA, ay tumugon ang grupo sa isang ina na inabot ng panganganak sa loob ng tricycle habang nasa kahabaan ng Hucab Highway.
Agad na nagtulung-tulong ang grupo upang maisakay ang isang midwife mula Barangay Bolog papunta sa lugar ng pangyayari at pagkatapos ay isinakay ang mag-ina patungong Hucab Birthing Clinic para sa kinakailangang medikal na atensyon.
Ang insidenteng ito ay patunay ng dedikasyon at malasakit ng mga lingkod-bayan na handang tumugon sa tawag ng buhay, at ng mabilis na aksyon at pagkakaisa ng pulisya at militar na naging susi sa ligtas na pagsilang ng tinaguriang “Election Baby,” isang simbolo ng bagong pag-asa.
Tulad ng nasasaad sa Psalm 139:13-16, “For you created my inmost being; you knit me together in my mother’s womb… I am fearfully and wonderfully made,” tunay ngang isang buhay na ipinagkaloob sa gitna ng makasaysayang araw ng eleksyon.
Panulat ni Patrolwoman Charlyn Rose Gumangan