Monday, November 25, 2024

Eleazar: Pagtaas ng trust rating ng PNP, bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan

Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang resulta na inilabas ng isang non-commissioned survey kung saan tumaas ang ‘trust rating’ ng ahensya.

Batay sa isinagawang survey ng PUBLiCUS Asia Inc., nakakuha ang PNP ng 5-puntos sa total high trust (35.200) at 8-puntos naman ang ibinaba sa total low trust (26.800).

Ayon sa PUBLiCUS, tumaas ang rating ng PNP sa magkasunod na quarter.

Malugod namang tinanggap ni PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang resulta ng naturang survey na isinagawa mula noong Oktubre 11 hanggang 18, 2021.

“Ito naman ay bunga ng aming pagkakaisa at pagtutulungan upang patuloy na maibalik ang tiwala at respeto ng ating mga kababayan sa kanilang Pambansang Pulisya sa pamamagitan ng agresibong reporma na nag-uumpisa sa kalinisan ng bawat police stations na siyang aming frontline services para sa ating mga kababayan at ang aming mabilis na aksyon sa mga reklamo at paghingi ng tulong ng ating mga kababayan, kabilang ang kampanya sa paglilinis ng aming hanay,” pahayag ni PNP Chief Eleazar.

Nagpasalamat din si PGen Eleazar sa mga kapulisan dahil sa kanilang pagsuporta at pagsunod sa mga reporma sa hanay upang mas mapahusay ang pagbibigay-serbisyo sa publiko. Kasabay nito, nanawagan siya na isantabi ang kanilang mga personal na interest at bigyang-prayoridad ang kapakanan ng publiko.

Gayundin, nagpasalamat ang hepe sa tiwala ng stakeholders na naging katuwang ng PNP upang maisagawa ng epektibo ang kanilang mandato.

“Nagpapasalamat ako sa publiko sa patuloy na pagbibigay ng kanilang tiwala sa aming organisasyon sa kabila ng mga alegasyon sa aming hanay dulot ng ilang pulis patola na sumisira sa aming imahe. Makakaasa ang publiko na magpapatuloy ang kapulisan, hindi lamang sa paniniguro ng kaayusan sa paligid, kung hindi pati na rin sa pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan,” ani PGen Eleazar.

Survey link: https://www.publicusasia.com/executive-summary-phyg-q3/ (EXECUTIVE SUMMARY – FINDINGS OF 2021 PAHAYAG QUARTER 3 SURVEY : October 11-18, 2021 – PUBLiCUS Asia, Inc.)

####

Article by Police Corporal Josephine T Blanche

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles