Gitnang Mindanao – Mapayapang nailunsad ang Eid’l Fit’r Congregational Outdoor Prayer Rites sa maraming lugar sa Gitnang Mindanao na dinaluhan ng libu-libong Muslim noong Mayo 2, 2022.
Ito ay mahigpit na binantayan ng puwersa ng PNP at AFP upang masiguro ang kaligtasan at maayos na pagdiriwang kung saan ginanap ang Eid open-field prayers.
Ayon kay Major Gen. Juvymax Uy, Commander, 6th Infantry Division, Philippine Army, nagkaroon ng magandang koordinasyon sa pagitan ng mga yunit at ng Police Regional Office sa Rehiyon ng Bangsamoro at sa Rehiyon 12 sa pagbibigay ng seguridad para sa mga sumasamba.
Ang tradisyonal na seremonya ay minarkahan ang pagtatapos ng buwanang Islamic Ramadan fasting season na nagsimula noong Abril 3.
Ang Ramadan ay isang banal na buwan sa kalendaryong Hijrah na nakabatay sa buwan kung saan ang mga Muslim na angkop sa kanilang katawan ay nag-aayuno mula madaling araw hanggang dapit-hapon para sa isang lunar cycle, o mula 28 hanggang 30 araw, kapwa bilang sakripisyo at obligasyon sa relihiyon.
Ayon kay PBGen Arthur Cabalona, Regional Director, Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, na nagpapasalamat siya sa mga Local Government Units sa lahat ng limang probinsyang nasasakupan niya sa pagsuporta sa Ramadan at sa kanilang Eid security effort.
Nagpapasalamat din si PBGen Cabalona sa lahat ng Police Provincial Offices at Police Stations sa Rehiyon ng Bangsamoro sa maigting na pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa naturang Eid holiday.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia