Eastern Samar – Arestado ang isang High Value Individual Provincial Target sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Brgy. 02, Salcedo, Eastern Samar noong Hulyo 22, 2023.
Kinilala ni Police Captain Marvien Bo, Officer-In-Charge ng Salcedo MPS, ang naaresto na si alyas “Junie”, 52 anyos, walang trabaho at residente ng Salcedo, Eastern Samar.
Ayon kay PCpt Bo, nakumpiska ng mga operatiba ng Salcedo MPS, ESPPO-PDEU kasama ang PDEA-8 Eastern Samar Provincial Office mula sa suspek ang dalawang pirasong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng MOL 1 gramo na may tinatayang market value na Php6,800.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kapulisan kasama ang PDEA ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad sa tulong ng mamamayan para mapanatili ang maayos at payapang komunidad.