Eastern Samar – Nagsagawa ng mangrove tree planting ang mga tauhan ng Eastern Samar Police Provincial Office na ginanap sa Minasangay Eco Park, Balangkayan, Eastern Samar nitong Huwebes, Mayo 11, 2023.
Ang aktibidad ay pinasimulan ni Police Colonel Matthe Aseo, Provincial Director, na nilahukan naman ng mga tauhan ng PCADU ng Eastern Samar PPO na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Rommel Cesista, kasama ang mga tauhan ng Balangkayan MPS, Balangkayan Fire Station, Coast Guard Eastern Samar, Faith-Based Volunteers, at iba pang KASIMBAYANAN Advocacy Support Groups.
May kabuuang 1000 mangrove tree seedlings ang naitanim ng grupo sa naturang aktibidad na alinsunod sa PNP Core Values na “MAKAKALIKASAN”.
Ang aktibidad na ito ay bilang suporta sa adbokasiya ng Provincial Director na naglalayong protektahan at pagyamanin ang likas na yamang dagat dahil ang mga bakawan ang siyang poprotekta sa mga baybayin at komunidad mula sa malakas na alon.