Eastern Samar – Nagsagawa ang Eastern Samar PNP ng feeding program at gift-giving activity sa Brgy. Campesao, Borongan City, Eastern Samar noong Huwebes, Hunyo 16, 2022.
Ang programa ay pinangasiwaan ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rommel Cecista kasama ang ilang miyembro ng Batch 1996 ng Seminario De Jesus Nazareno sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Elmerson Badilla, C, HRAO.
Ang nasabing aktibidad ay nagbigay ng 40 bowls ng nutritional porridge na may pinakuluang itlog at kabuuang 40 piraso ng iba’t ibang laruan para sa mga batang benepisyaryo mula sa nasabing barangay.
Layunin ng aktibidad na bigyang pansin ang mga kabataang naging benepisyaryo, paunlarin ang pakiramdam ng panlipunang responsibilidad sa pamamagitan ng pagbibigayan at pagtulong sa isa’t isa at upang makamit ang layunin na makuha ang puso at isipan ng komunidad.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez