Eastern Quezon MLET ng PNP Maritime Group, naaresto ang anim na tripulante na sangkot sa iligal na pangingisda sa Quezon

0
173

Nasabat ng Eastern Quezon Maritime Law Enforcement Team (MLET) ng PNP Maritime Group ang anim na tripulante at dalawang komersyal na bangkang pangisda na may markang FBCA QUEEN IMELDA-DMC at FBCA REYNA TERESA na naaktohang nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa karagatan ng Tayabas Bay, Quezon nong Marso 11, 2026.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang nabanggit na mga fishing vessel, fishing paraphernalia, kabilang ang mahigit 205 kilo ng huling isda na may kabuuang tinatayang halaga na Php3,841,500.

Ang mga nahuling indibidwal at nasamsam na ebidensya ay dinala sa Eastern Quezon MLET para sa dokumentasyon at paghahain ng kaukulang administratibong pagpapasya sa tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources dahil sa paglabag sa Section 86 (a) ng RA 10654 o Unauthorized Fishing.

Patuloy na pinaiigting ng PNP Maritime Group ang kanilang operasyon upang maprotektahan ang yamang-dagat at matiyak ang patas na kabuhayan ng mga lehitimong mangingisda.

Leave a Reply