San Carlos City, Negros Occidental – Inilunsad ang Duterte Legacy Caravan sa buong San Carlos City sa pangunguna ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station na ginanap sa City Auditorium nitong unang araw ng Mayo 2022.
Ang Caravan ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jesus Mesahon Jr., Officer-in-Charge, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan at ng iba’t ibang Advocacy Support Groups at Force Multipliers kasabay sa paggunita sa Araw ng mga Manggagawa.
Layunin ng naturang caravan na mas mapalapit pa sa mga mamamayan ang lahat ng mga programa ng pamahalaan lalong lalo na sa paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan tungo sa progreso at totoong pagbabago.
Kabilang sa mga bahagi sa nasabing aktibidad, ang Local Government Unit ng San Carlos sa pamumuno ni Mayor Renato Y Gustilo, kasama ang Department of the Interior and Local Government San Carlos sa pamumuno ni Miss Marie M. Osorio-Clgoo, CSWDO; City Agriculture; CDRRMO; BFP; Maritime Pulis San Carlos sa pamumuno ni Police Major Wilmar Bolivar; City Local Registrar Office; Department of Agriculture; at ng San Carlos City Council for Youth Affairs.
Dumalo rin ang mga miyembro ng Nabingkalan Eagles Club; Negros Island Central Islamic Association (NICIA) sa pamumuno ni Imam Muamar Derindigun; Fellowship Baptist Church sa pangunguna ni Pastor Robert John Angaray; mga istudyante ng CPSU na kasapi ng Kapatiran Ng Kabataang Kriminolohiya; 2nd Mobile Platoon, 605th Company, Regional Mobile Force Battalion 6 sa pamumuno ni Police Lieutenant Roy Compe; Barangay Public Safety Officer; Barangay Health Worker; Kabataan Kontra Droga at Terorismo at ng mga Barangay Officials ng Brgy. 5 sa pamumuno ni Punong Barangay Ruth Alba.
Kabilang sa mga isinagawa ang Bike at Unity Walk bilang pagpapakita ng mainit na suporta sa pamahalaan na sinundan naman ng “Zumba” for peace na ginanap sa City Public Plaza. Kasunod naman na isinagawa ang Gift Giving para sa mga Pedicab Drivers na nabigyan ng mga Essential Goods, Rubber Slippers at ng Arrozcaldo.
Samantala, namahagi naman ng Informative Materials on crime prevention ang nasabing grupo upang patuloy pang mapaigting ang kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad sa nasabing lungsod.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi rin sa station’s best practice na ” Operation Tabang” Tabang Alang Sa Mga Kabos ug Nanginahanglan (“Operation Tulong” Tulong Para sa Mahirap at mas Nangangailangan) at “Busog Lusog” Feeding Program.
###