San Fernando, Pampanga – Matagumpay na naisagawa ang Duterte Legacy Caravan sa Police Regional Office 3 Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Lunes, Abril 18, 2022.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Police Brigadier General Matthew Baccay, Regional Director ng PRO 3 at dinaluhan nina Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, The Deputy Chief, PNP for Administration bilang PNP Focal Person ng Duterte Legacy Caravan, USec Jonathan E Malaya, Secretary of Interior Local Government at USec. Joel Sy Egco, Presidential Task Force Media Security.
Katuwang din sa programa ang mahigit 1000 miyembro ng Lingkod Bayan Coalition Advocacy Support Groups and Force Multipliers ng Central Luzon.
Tampok sa programa ang “Talipapa para sa mga Kapatid na Aeta, Kabuhayan sa Panahon ng Pandemya” na kung saan ibinenta ang produktong gulay at prutas ng mga Indigenous People sa mga dumalo.
Patuloy ang PNP sa paghatid ng pangunahing serbisyo sa malalayong lugar o sa mga nakatira sa kabundukan upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
###
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera