Butuan City – Matagumpay ang isinagawang Duterte Legacy Caravan sa Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City nito lamang Miyerkules, Abril 27, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Director ng Police Regional Office 13 na dinaluhan nina Under Secretary Joseph Encabo, Chairman ng Cooperative Development Authority at Police Brigadier General Eric Noble, Director ng Police Community Affairs and Development Group bilang mga focal person ng nasabing programa.
Katuwang sa aktibidad ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Force Multipliers at ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng National Intelligence Coordinating Agency; Department of Interior and Local Government; Department of Social Welfare and Development; Department of Labor and Employment;Department of Agrarian Reform-13; Philippine Statistics Authority-Caraga Regional Office; National Commission on Indigenous Peoples 13; Technical Education and Skills DevelopmentAuthority na nagbigay ng basic services sa mahigit kumulang isang libong katao na dumalo sa nasabing caravan.
Dumalo rin sa aktibidad at nagbigay testimonya ang isa sa dating miyembro ng Communist Terrorist Group na si “Ka Boom”, na nagbahagi ng kanyang mapait na sinapit at hirap sa kamay ng teroristang komunistang grupo.
Nagbigay mensahe naman si Ms Vanessa Marie Yaoyao, Caraga President ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, kung paano mas naging aktibo ang mga kabataan sa pamamagitan ng paglahok sa iba’t ibang programa ng Pambansang Pulisya. Hinikayat din ni Ms Yaoyaoang mga kabataan na suportahan at labanan ang droga at terorismo.
Labis naman ang galak at pasasalamat ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap na mga food packs at mga serbisyo publiko na dala ng Duterte Legacy Caravan para sa mga Caraganons.
Patunay na ang gobyerno sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo R Duterte, katuwang ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno ay tulong-tulong tungo sa mas maunlad na Pilipinas.
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz