Parang, Maguindanao – Nagsagawa ng Duterte Legacy Caravan ang Parang PNP sa Sitio Bliss Brgy. Nituan, Parang, Maguindanao nito lamang Mayo 2, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Joseph Macatangay, Chief of Police ng Parang MPS kasama ang mga PNP personnel ng naturang istasyon at ang Bangsamoro Autonomous Region Training Center na pinangunahan ni Police Major Amil Andungan.
Ayon kay PLtCol Macatangay, namahagi ang mga tauhan ng Parang PNP ng mga food packs sa mga residente ng Mahad Central Mindanao Mosque.
Nakiisa din sa programa ang ibaāt ibang Advocacy Support Group gaya ng Salaam Police; Women Sector; Barangay Local Government Unit Nituan; Faith Based Sector; Kabataan Kontra Droga at Terorismo; at Kaligkasan.
Ang nasabing programa ay kaugnay ng Eidāl Fitr 2022.
Ang Eid’l Fitr ay isa sa mahalagang araw ng mga mananampalatayang Muslim sa buong mundo. Tinatawag din itong “Festival of Breaking the Fast”, isang relihiyosong holiday na ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo na minarkahan ang pagtatapos ng isang buwang madaling araw hanggang sa paglubog ng araw na pag-aayuno ng Ramadan.
Layunin ng aktibidad na ito na mas lalo pang paigtingin at pagtibayin ang ugnayan ng ibaāt ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan sa pagtulong sa komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz