Sta. Magdalena, Sorsogon – Matagumpay na isinagawa ng Sta. Magdalena PNP ang Duterte Legacy Caravan katuwang ang Armed Forces of the Philippines, San Isidro Patrol Base at Advocacy Support Group and Force Multipliers, Magic 5 Fraternity and Sorority sa bayan ng Sta. Magdalena, Sorsogon nitong lamang Linggo ng umaga, Mayo 1, 2022.
Nanguna sa naturang caravan ang hepe ng Sta. Magdalena na si Police Lieutenant Edwin Dela Fuente kasama si Staff Sargeant Brian Barrios ng AFP San Isidro Patrol Base.
Nakapagbigay ang grupo ng food packs sa 30 na indibidwal kasama ang hindi nagpakilalang stakeholder na may ginintuang puso.
Nagkaroon din ng libreng gupit at talakayan tungkol sa mga karapatan ng mga kababaihan at kabataan, at ang Executive Order No. 70 o National Task Force- End Local Communist Armed Conflict sa mga residente.
Layunin ng aktibidad na ito na mas lalo pang paigtingin at pagtibayin ang ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan sa pagtulong sa komunidad.
Source: Sta. Magdalena MPS
###
Panulat ni Patroman Jomar Danao