Puerto Princesa – Nagsagawa ng Duterte Legacy Caravan ang PNP sa Puerto Princesa City kasabay ng Labor Day noong Mayo 1, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Roberto Bucad, Acting City Director ng Puerto Princesa City Police Office, kasama ang Ugnayan ng Maralitang Sektor, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasundaluhan, iba’t ibang sangay ng gobyerno, Advocacy Support Groups na kinabibilangan ng Faith-Based Groups, Force Multipliers, Barangay-Based Groups at Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa lungsod.
Nagsimula ang aktibidad sa pagbisikleta ng mga pulis at ibang mamamayan mula sa Puerto Princesa City Police Office Headquarters patungo sa Baywalk.
Nagkaroon naman ng isang oras na Zumba sa Baywalk kung saan lahat ng participants ay nakisayaw at nakapag-ehersisyo.
Ayon kay PCol Bucad, nagbahagi ng iba’t ibang serbisyo ang mga nabanggit na ahensya kasama ang libreng gupit mula sa kapulisan.
Nagkaroon din ng feeding activity at pamamahagi ng food packs sa ilang benepisyaryo.
Layunin ng aktibidad na ito na lalo pang paigtingin ang ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtulong sa komunidad.
Nawa’y patuloy na maging halimbawa ang ganitong programa at makapagbigay ng inspirasyon na maipaabot ng bawat ahensya ang sinsiridad sa pagtulong sa ating mamamayan, higit sa lahat sa mga lubhang naapektuhan ng mga sakuna at kasalukuyang dinaranas na pandemya.
Source: Puerto Princesa City Police Office
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus