Occidental Mindoro – Matagumpay ang isinagawang Duterte Legacy Caravan ng mga tauhan ng Occidental Mindoro PNP sa Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro noong Linggo, Mayo 1, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Simeon Gane Jr, Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office, at mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station, 1st Occidental Mindoro Police Provincial Office, katuwang din ang mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay PCol Gane Jr, nakatanggap ang mga dumalo ng food packs, libreng konsultasyon, libreng gupit, bakuna laban sa COVID-19, at nagkaroon din ng pagproseso ng Birth Certificate, Death Certificate, Marriage Certificate at tulong para sa mga naghahanap ng trabaho mula sa Public Employment Service Office (PESO).
Layunin ng programa na maihatid at mailapit ang mga pangunahing serbisyo para sa mga mamamayan mula sa ating pamahalaan.
Source: Occidental Mindoro PPO
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus