Pilar, Abra – Matagumpay na naisagawa ng Cordillera PNP ang Duterte Legacy Caravan sa Barangay Poblacion, Pilar, Abra noong ika-27 ng Abril 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Ronald Oliver Lee, Regional Director, Police Regional Office-Cordillera kasama ang iba pang regional at provincial staff, katuwang si Ms. Millicent B Carino, DILG, Provincial Director at mga Advocacy Support Group ng Abra PPO.
Nagkaroon ng libreng Medical at Dental Check-up, libreng tuli, libreng gupit, pagbibigay ng dental at hygiene kits, food packs, damit, tsinelas, at libreng meryenda at pagkain.
Bukod pa dito, nagbigay din si Police Brigadier General Lee ng dalawang wheel chair at walker sa piling benepisyaryo.
Ang PRO COR ay lalong pang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at insurhensiya sa lugar at bigyan ng mga pangunahing serbisyo ang mga residenteng lubos na apektado ng pandemya.
Hinikayat din ng PNP ang mga dumalo na iboto ang taong makakatulong sa ikakaunlad ng bansa sa darating na Pambansa at Lokal na Halalan.
Source: https://www.facebook.com/100011430152393/posts/1889567128100941/
###