Casiguran, Aurora – Matagumpay ang isinagawang Duterte Legacy Caravan ng Casiguran PNP sa Sitio Dumaguipo, Brgy. Cozo, Casiguran, Aurora nito lamang Miyerkules, Mayo 3, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Lorena Bautista, Officer-in-Charge, Casiguran Municipal Police Station kasama ang iba’t ibang sangay ng lokal na ahensiya sa nasabing bayan.
Ayon kay PCpt Bautista, labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap nilang relief goods, pares ng sapatos, tsinelas at libreng pagkain.
Dagdag pa ni PCpt Bautista, ang Casiguran PNP ay nagbigay din ng kaalaman patungkol sa Executive Order No. 70 National Task Force End of Local Communist Armed Conflict at pangangampanya laban sa ilegal na droga.
Ang pamahalaan sa pangunguna ng PNP ay patuloy sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga liblib o malalayong lugar.
Hinihikayat din ang mga mamamayan na patuloy na suportahan ang programa ng pamahalaan sa kampanya laban sa ilegal na droga at insurhensya.
###
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera