Eastern Samar – Nagsagawa ng Duterte Legacy Caravan ang 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa Polangi Elementary School, Brgy. Polangi, Taft nitong Biyernes, Mayo 27, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Police Community Affairs Section sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Joy Leanza, Force Commander ng 1st Eastern Samar PMFC kasama ang Central Rubasan Eagles at ang iba’t ibang sangay ng lokal na ahensya sa nasabing bayan.
Ayon kay PLtCol Leanza, nasa 128 na mga bata mula Grade 1 hanggang Grade 6 ang naging benepisyaryo sa Mobile Canteen at Mobile Barbershop ng 1st Eastern Samar PMFC.
Ayon pa kay PLtCol Leanza, nagbigay aliw din ang Police Community Affairs Section Hoofers sa pamamagitan ng isang dance number. Samantala, nagbigay naman ng intermission number ang mga batang nasa Grade 5 at Grade 6.
“Kami ay nagpapasalamat na ang aming paaralan at ang aming mga anak ay napili bilang mga benepisyaryo ng natatanging programang ito ng 1st ESPMFC. Ito ang unang pagkakataon na ang mga pulis ay nagsagawa ng isang outreach activity sa aming paaralan. Ma’ams and Sirs you are always welcome sa aming hamak na lugar ng pag-aaral. Salamat”, mensahe naman ni Mr. Onisimo C. Vista, Teacher-in-Charge ng paaralan.
Ang Eastern Samar PNP ay patuloy sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga liblib o malalayong lugar.
###
Panulat ni Rialyn B Valdez