North Cotabato – Matagumpay ang isinagawang Duterte Legacy Caravan Festival and Fair ng mga tauhan ng PRO 12 Kidapawan City PNP sa Matalam Plaza, Brgy. Poblacion, Matalam, North Cotabato, nito lamang Lunes, Mayo 2, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLtCol Peter Pinalgan Jr., Acting Chief of Police ng nasabing istasyon at sa tulong ng City Tourism Office sa pangunguna ni Ms Gillian Ray Lonzaga.
Ito ay masayang nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ng Kidapawan City at LGBTQ Community Bahaghari Chapter.
Kabilang sa mga serbisyong inihandog ay ang libreng gupit, libreng tuli, libreng eye check-up at eye glasses, pagkain, food packs, health kits, gamot at bitamina para sa mga mahihirap na pamilya.
Kasabay nito ay isinagawa rin ang Walk for Peace, Ride for Peace, Bike for Peace, at Unity and Safe.
Ang Duterte Legacy Caravan towards National Recovery ay ang pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng gobyerno at mga volunteers mula sa mga pribadong sektor upang tumulong sa programa bilang pagtalima sa “Whole of the Nation Approach”.
Ang kampanyang ito ay naglalayong ipaalam sa publiko ang tungkol sa mga programa, patakaran, tagumpay, at pagsisikap ng pamahalaan na magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng mamamayang Pilipino.
Source: PRO 12 Kidapawan City Police Station
###
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi