Taguig City (February 12, 2022) – Matagumpay na naisagawa ng mga kapulisan ng Taguig City ang programang Duterte Legacy Caravan at PNP Outreach Program sa Brgy. Tuktukan Taguig City bandang 9:00 ng umaga, Pebrero 12, 2022.
Ito ay pinamumunuan ni Police Colonel Robert Baesa, Acting Chief of Police ng Taguig City Police Station (CPS) sa pamamagitan ng Community Affairs Section (CAS) sa pangunguna ni Police Lieutenant Jay-Ann Pugong, Chief, CAS, kasama ang mga Partner Agencies nito na binubuo ng Government Offices at Non-Government Organizations katulad ng Barangay Tuktukan Health Center sa pangunguna ni Ma. Cristina Ramos, Head Nurse sa ilalim ng Local Government Unit, Bicutan Diagnostic Laboratory sa pangunguna ni Ed Chel Engcoy, Admin Officer at Taguig Station Health Unit (SHU) sa pangunguna ni PSMS Florendo Villanos, Chief, SHU.
Nakatuon ang aktibidad sa medikal na paggamot na inilaan para sa mga Persons under Police Custody ng nabanggit na istasyon upang matugunan ang mga serbisyo tulad ng paglilinis ng mga sugat at mga laboratory procedure (libreng x-ray).
Patunay ang aktibidad na ito na anuman ang iyong estado sa buhay ay handa kang pagsilbihan at proteksyunan ng ating Pambansang Pulisya.
###
God job PNP. God bless you always ?