Pinangunahan ni PBGen Nelson B Bondoc, RD, PRO MIMAROPA ang pagsasagawa ng Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery sa Barangay Tabinay Gymnasium, Barangay Tabinay, Puerto Galera kasabay ng pagdiriwang ng Indigenuous People’s Month sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno.
Lumahok sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development Division; Puerto Galera Municipal Police Station, ORMIN PPO, PRO MIMAROPA; Municipal Social Welfare and Development Office – Puerto Galera; Department of Agriculture; Department of Interior and Local Government; Explosive Ordnance Disposal Team-Puerto Galera, Regional Explosive Ordnance and Canine Unit MIMAROPA; 404th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion; Charlie Company, 76IB, Philippine Army; Philippine Coast Guard Auxiliary; Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT)/Kabataang Maka Dagat (KAMADA), Soroptimist International Kabayan, Ladies Officer’ Club-MIMAROPA Chapter sa pangunguna ni Gng. Marijo C. Bondoc, Chapter President at Vice President of PNP Officer’s Ladies Club; mga kinatawan mula sa iba pang government agencies; non-government organizations; and volunteers.
Ito ay ginanap sa mismong covered court ng nasabing barangay kung saan ipinamahagi ang mga food packs, hygiene kits, seeds, aktibidad sa pagpapakain, pagpapalabas ng Police Clearance, programang pangkabuhayan, tulong mula sa MSWDO, panayam hinggil sa proteksyon ng dagat ng KAMADA, NTF-ELCAC at E-CLIP ng Philippine Army at iba pang mga serbisyo sa harap ng mga kalahok na ahensya.
250 Iraya Mangyan IPs ang naging benepisyaryo ng naturang programa kung saan nakatanggap sila ng 100 food packs, 250 feeding activity, 25 National Police Clearance, 50 livelihood program (mask holder na gawa sa beads/ lanyard), 250 facemasks at 100 face shields mula sa Philippine National Police, 100 packs na iba’t ibang mga binhi ng gulay mula sa Department of Agriculture, 50 individual assistance na tulong mula sa MSWDO, 50 indibidwal assistance mula sa DILG at 50 Food packs mula sa Soroptimist International Kabayan/PNP Officers’ Ladies Club MIMAROPA Chapter.
Nagpahayag ng matinding pasasalamat ang Barangay Captain na si Romeo Agillon sa pagsisikap ng gobyerno na maiparating ang mga serbisyo sa kanyang mga nasasakupan lalo na ang mga IP kung saan naapektuhan din ng pandemya dulot ng COVID-19 at pananalasa ng nagdaang bagyo.
#####
Article by Patrolman Mark M Manuba