Dumangas, Iloilo – Naglunsad ang Dumangas Municipal Police Station ng “Bike for Peace” sa bayan ng Dumangas sa probinsya ng Iloilo nito lamang Miyerkules ng umaga, Abril 20, 2022.
Ang programang Bike for Peace ay isinagawa para sa Secure, Accurate and Free/Fair Elections (SAFE) National and Local Elections 2022 na may temang: “Ako ang Simula ng Pagbabago” na pinangunahan ni PMaj Jogen Suegay, Acting Chief of Police, Dumagas Municipal Police Station.
Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng maikling programa at sinundan ng Zumba na nilahukan ng lokal na pamahalaan ng Dumangas, mga miyembro ng Philippine Coast Guard at iba’t ibang grupo ng bikers sa naturang bayan.
Kasunod nito ay ang pormal na pagsisimula ng Bike for Peace Race mula Dumangas Gym patungong barangay Tabucan, Dacutan, Sapao, Talusan, Jardin at pabalik ulit ng Dumangas Gym at dito ay namahagi naman ang Dumangas PNP ng nakakabusog na tinapay at lugaw para sa mga nakilahok sa nasabing race.
Layunin ng aktibidad na ito ay ang maisulong ang ligtas na National and Local Elections partikular na sa bayan ng Dumangas.
###
Panulat ni Patrolwoman Darice Anne Regis