Arestado ang isang 36-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District Station 11 nito lamang Sabado, Mayo 4, 2024.
Kinilala ni Station Commander, Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, ang suspek na si alyas “Bossing” ng Vista Verde Subdivision sa Bacoor, Cavite.
Naganap sa kahabaan ng Lara Street sa Binondo ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit na naging dahilan ng pagkakadakip sa suspek.
Nasabat sa suspek ang apat (4) na pakete ng umano’y shabu na tinatayang may timbang na 16 gramo na nagkakahalaga ng Php108,800.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing presinto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang intelligence driven operation ng Meisic Police Station 11 upang mapanatiling tahimik at ligtas ang nasasakupang lugar ng istasyon.
Source: Police Big Brother
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos