Arestado ang isang hinihinalang drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan, sa Barangay Tagburos, Puerto Princesa City, Palawan nito lamang ika-22 ng Marso 2025.
Nakuha ng mga awtoridad mula sa hindi pinangalanang suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na ibinenta umano nito sa isang poseur buyer. Nakumpiska rin ang isang Caliber .45 pistol at isang cellphone na sinasabing ginamit sa transaksyon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, Republic Act 10591 o “Illegal Possession of Firearms”, at COMELEC Gun Ban Resolution No. 11067 ang suspek.
Patunay lamang na ang kapulisan katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na magkaroon ng maunlad at mapayapang komunidad tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: Palawan News
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña