Wednesday, November 27, 2024

Drug Pusher, timbog sa buy-bust operation ng Camarines Norte PNP 

Mercedes, Camarines Norte – Arestado ang isang tulak ng droga sa buy- bust operation ng pulisya sa Mercedes, Camarines Norte nito lamang Martes, Agosto 9, 2022. 

Kinilala ni Police Colonel Julius Guadamor, Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office, ang naaresto na si Alicio Cereno y Panotes na nahuli sa Purok 6, Barangay Del Rosario, Mercedes, Camarines Norte.

Ayon kay PCol Guadamor, nasakote si Cereno sa pinagsanib na operatiba ng Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, 1st Camarines Norte Provincial Mobile Force Company, Mercedes Municipal Police Station at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO5.

Ayon pa kay PCol Guadamor, nakumpiska sa suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 5.29 na gramo at may market value na Php35,972. 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Ang PNP PRO 5 ay patuloy na maglulunsad ng mga operasyon upang matigil na ang paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa buong rehiyon at mapanatiling ligtas ang bawat mamamayan sa probinsya ng Bikol.

 Source: KASUROG Bicol

###

Panulat ni Patrolman Rodel Grecia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles